Sunday, April 29, 2007

Fancy Pasta Restaurant



“You what?” gulat na gulat na usal ng kaibigan niyang si Jayson. “Matthew nahihibang ka na ba?”

“Oo yata Jason…nahihibang na ako’” malalim niyang tugon.

“Pare ‘wag ka naming ridiculous. May asawa na si Pia!” pinagkadiinan pa rin ni Jayson sa kanya ang katotohanang nito lang nila nalaman.

“I just found the truth too late pare…” baling niya sa mga mata ng kausap. Sana noon ko pa nalamang may asawa na siya, noong kayak o pang mabuhay ng wala siya…”

Lalong naging balisa’t iritable ang kausap niya sa tinuran niyang iyon. “Pare naman, mamamatay ka ba nang wala ‘yang Pia na yan sa ‘yo? Pare you’re younger than her! You’ve got a good job, gwapo ka,you’ve got good fortune ahead of you! Marami pang babae d’yan…”

His logic then is failing him that moment. “I have to talk to her—“ aniya sabay talilis. Hinabol pa siya nito ngunit mabilis niyang napaandar ang kotse niya patungo ka Pia.

“Pia please…mag-uusap lang naman tayo…nakikiusap ako!” mangiyak ngiyak niyang usal pagka-connect na pagka-connect ng tawag niya sa cellphone nito.

“Matthew naman…” dinig niya ang pagsisimula ng pag-iyak nito mula sa kabilang linya.

“Galing ako ng unit mo, galling ako sa restaurant mo…sabi nila nandito ka raw sa bahay ninyo,” anang binata.

“H-ha?” natigilan si Pia. “Nasaan ka?”

“Nandito ako sa tapat ng bahay n’yo…” anas niya habang tinatanaw ang malaking bahay na tinitirhan ni Pia.

Napalunok si Pia. “Anong ginagawa mo dito? Umalis ka na!!!”

“Hindi ako aalis ditto hangga’t hindi tayo nagkakausap…”pagmamakaawa niya’t pagmamatigas.

“Wala na tayong dapat pag-usapan pa Matthew! It’s over…”

“Kung hindi mo ako bababain ditto sa labas ng bahay ninyo…ako ang papasok d’yan sa loob…”

Malamlam ang mga mata ni Pia . Kitang kita sa mga mata nito ang bigat ng dinadala sa mga sandaling iyon.

“Sigurado ka bangok pa rin tayo dito sa resto mo?” paniniguro ng binata.

“Akin ang Fancy Pasta. I own this place, alam mo yan. Ako ang employer nila dito, hindi ang asawa ko!” sagot naman ni Pia na kaagad nakuha ang ibig niyang sabihin. Kaagad din nitong pinaalis ang waitress na nagserve sa kanila ng kape.

Tanging ang malamlam na musika ng lugar ang ingay na namamagitan sa kanilang dalawa… hanggang sa tuluyang nanangis si Pia.

“Please don’t cry…” ani Matthew.

“Ano pa bang kailangan mo Matthew?” patuloy nito sa pag-iyak.

“Kailangan kita Pia…kailangan kita…” gagap nito sa kamay ni Pia.

Umagos nang tuluyan nag luha nito sa kaniyang pisngi. “Bakit mo ginagawa sa akin ‘to Matthew…”

“Pia, kung kailangan kong mamalimos ng atensyon mo…gagawin ko PIa…”

“Matthew bata ka pa, marami pang iba d’yan—“

“Pia, you’re just 28, limang taon lang ang pagitan natin…akala ko ba we’ve settled this issue long before?”

“Hinid yun ang issue Matthew!!! May asawa na ako!!!”

“Pero hindi mo siya mahal…”

“Still it doesn’t make this thing right!”

“Wala kang gingawang mali Pia, nagmahal ka lang! There’s nothing wrong with that!”

Inilayo nito ang kamay niya, pinunasan ang mga luha at pilit ibinalik ang postura.

“Why are you doing this to yourself Matthew? Oo kasalanan kong hindi ko kaagad naipagtapat sa ‘yo that I’m married …pero sana kinamuhian mu na lang ako! Kaysa ganito…”

“I found the truth too late Pia…” nangatal ang pisngi ni Matthew. Namuo ang luha niya sa sinsero niyang mga mata. “Ni hindi ko na magawang magalit pa sa ‘yo. Natakot akong mawawala ka na sa akin…dahil…hindi ko na kayang mawala ka sa akin…”

“Kaya mo Matthew! Dahil hindi ko na kayang ipagpatuloy ‘to…”

“Pwede pa rin nating gawin yung dati nating nigagawa…same old set-up! Promise, hindi na ako pupunta sa bahay ninyo, hindi na ako tatawag sa ‘yo kapag nasa bahay ka…please Pia.”

Umiling si Pia.

Napayuko si Matthew. “You don’t love him,” pamaya-maya pa’y napatuloy siya. “… I love you Pia…”

“You don’t…”hindi na nito nilingon ang maluha din niyang mga mata. Tumayo ito at tinangkang umalis.

“You do…”aniya na pinagmamasadan lang siya. “You love me…” Tila siguradong sigurado siyang usal.

“I don’t…” walang lingon nitong tugon. “Game’s over Matthew…”

Bumalikwas siya sa mga salitang iyon at hinabol si Pia ng ilang hakbang. Iniharap niya ito sa kaniya at dagling ginagap ang mga labi nito ng sa kaniya.

Isang kabaliwan iyon alam niya. Ngunit hindi na talaga magawa pang rumehistro sa utak niya ang tama at mali. Ang tanging alam lang niya noo’y mahal nila ang isa’t-isa. At iyon ang tanging mahalaga sa kaniya ng mga sandaling iyon.

“Pia!” tila isang kidlat na tinig ang nagkalas ng kanilang pagniniig ni Pia.

“Alfred?” napaigkas si Pia nang mapangalanan ang makapangyarihang tinig na iyon.

“Punieta kayo!!!” nagnangis ang panga nito at kaagad na tinungo silang dalawa ni Pia. Sa galit na nasa mga mata ng lalaking iyon, hindi maipagkakaila ni Matthew kung sino ang lalaking iyon.

Sinunggaban siya nito kaagad at tumilapon siya sa katabing mesasa una nitong suntok sa mukha niya. Pagkatayo’y kagaad siyang bumawi dito.

“Oh my God! Tama na Alfred!” awat ni Pia dito.

“Shut up! How long have you been doing this to me Pia…” baling nito kay Pia, dahilan upang makabawi pa siya ng ilan pang mga asulto.

Pantay sila sa pagkadesididong saktan ang isa’t-isa kaya buong lakas ang ibinibigay ng dalawang lalaki sa pakikipagbuno sa harapan ni Pia.

Kinailangan ng dalwang security gurads at ilang mga kitchen staff upang maawat ang duelo. Tumigil na lamang ang dalawa nang marahil ay wala na silang makita pang gamit sa restaurant na masisira pa sa kanilang pag-aaway.

Nagpumiglas pa si Matthew at tangka pang sugurin muli si Alfred nang sampalin nito si Pia. Kinaladkad nito palabas si Pia. Doon lamang siya binitiwan ng mga umaawat sa kanila. Noon din lang niya nagawang pahirin ang mga dugo mula sa kaniyang bibig na tuluyan nang minantsahan ang kaniyang pang-itaas.

Lumabas siya ng Fancy Pasta Restaurant na pinupukol ng tingin ng lahat ng tao. Pero hindi iyon ang dahilan ng mga luha niya. Ramdam niyang tuluyan nang nawal si Pia sa kaniya.

Iyon ang huling pagkakataon na nakita’t nakausap pa niya si Pia.

“Nagpaalam nanaman si Samantha,” tulirong sumbong ni Matthew kay Jayson.

“Sa’n, daw pupunta?” usisa ng kaibigan niya.

“Magkikita daw sila ni Stella , yung kaibigan niya sa Makati—“

“O e ano?”

“Tinawagan ko na si Stella, nasa Davao daw s’ya for the week.”

“I told you pare, there’s really something going on with your wife…”

“Anong gagawin ko?”

“Hulihin mo sa akto!”

“Pare naman, hindi ko yata kayang basat na lang—“

“Matthew here we go again…same old you!!!”

Nilingon niya si Jayson at nakuha agad niya ang gusto nitong ipahiwatig. “This is not like what Pia and I had seven years ago Jayson…” matigas niyang usal.

“Precisely the point! Naging tapat kang asawa sa kanya for the past four years of your marriage! And of course, this is not like you and Pia—you’re being cheated here Matthew!”

Pinukol niyang muli ng matalim na tingin ang kaibigan. He’s deeply irritated with the word. “Hindi pa naman tayo sigurado Jayson. Do not accuse my wife!”

“Sa may isang restaurant daw sa Timog lagging pumupunta ang wife mo. I have a strong feeling—“

Makailang ulit na rin niyang narinig mula sa kaibigan na may nakakakita na nga kay Samantha na may kasamang ibang lalaki. Ngunit hanggat maaari, hindi niya iyon binibigyan ng pansin. Hindi dahil naniniwala siyang hindi iyon totoo. Natatakot siyang tumambad sa kaniya ang katotohanan. May malaking bahagi ng pagkatao niya ang nasasaling. Tila isang malaki’t mahapding sugat ng kahapon nag nananariwa ngayon sa kaniyang ala-ala.

Fancy Pasta Restaurant. Timog Branch.

Napalunok siya. Hindi niya alam na nagbranch-out nap ala ang naturang restaurant, at iyon ang tinutukoy na lugar ni Jayson. The atmosphere inside sounds and looks so familiar. It chills his every nerve.

“Pare…” paniniko ni Jayson sa kaniya pamaya-maya pa. Nakalinga ito sa isang part eng restaurant.

Mula sa mga mata ng kaibigan, alam na niya ang tinutukoy nito, at umagos ang kaba’t takot sa bawat Segundo ng kaniyang paglingon sa tinititigan ng kaibigan.

Si Samantha.

Nakangiti ito habang pinupunasan ang mukha ng lalaking kasam sa la mesa. Her happiness is undoubted. He never saw her happy.

Nagnangis ang kaniyang mga ngipin.

Nang dumampi ang mga labi ng kaniyang asawa sa pisngi ng lalaki, tuluyan siyang nawala sa huwisyo.

“Samantha—“ nagngangalit niyang usal. Tumayo siya’t pasugod na tinungo iyon.

“Matthew pare h’wag!” awat ni Jayson. Sinalya niya ang mga bisig nitong pumipigil sa kaniya.

Padukot niyang kinuha ang pitsara ng lalaki at kaagad niya itong sinuntok. Kaagad nalabog ang buong restaurant sa binagsakang lamesa ng lalaki.

Akmang susundan pa niya iyon nang humarang ang kaniyang asawa.

“Please Matthew no!” pagtatanggol nito sa lalaki.

Tuluyang nagdilim ang kaniyang paningin. “How could you Samantha!!!”

Pilit niyang kinuha ang lalaki at inayudahan pa ng suntok. Gusto niyang lumaban ito ngunit lalo lang nadadagdagan ang galit niya nang ni hindi ito umiiwas sa mga suntok niya’t hindi nagpakita ng kahit na anong panlalaban.

And the worst thing is that Samantha is taking his side—this man’s side.

They looked so the same yet so different.

“Tama na pare…” awat ni Jayson.

Kitang kita sa kaniyang dibdib ang pagngangalit.

“Perry…” alo ni Smantha sa lugapay nitong karelasyon.

“Call the police…”isang autoritatibong boses ang nagpahinto sa kaniyang hysteria.

“Yes ma’am…”isang empleyado ng restaurant ang tumugon sa utos ng tinig.

Napalunok siya.

Nang lingunin niya ang pinangagalingan ng tinig ay nakita niyang nagitla na rin si Jayson. Nang magtama ang kanilang mga mata ng pinangagalingan ng boses, kapwa sila nagitla.

“Pia—“ naiusal na lang niya.

Nahalo ang matitinding emosyon sa kaniya nang mula kay Pia ay nilingon niya kung paano aluin ng kaniyang asawa ang lalaking binugbog niya.

Nanariwa ang lahat ng alaala niya noon kay Pia, kung paano siya nagmakaawa ditto, kung paano niya ito hinanap, kung paano niya ito isinuko, kung paano niya ito pilit kinalimutan…

“Samantha—“ gagap niya ng mahigpit sa braso nito.

“No!” balikwas nito sa kaniya. “I’m not going you Matthew…”

Ginagap niya ang panga nito sa kaniyang mga palad. “How could you cheat on me?”

“Bakit Matthew? Did you ever love me?” ganti nito sa kaniya. “Nagagalit ka ba ngayon dahil mahal mo ako o dahil naiinis kang hindi mo maibigay sa akin ang pagmamahal na ibinibigay ni Perry sa akin ngayon?” iyak nito.

Natigilan siya. Sa dulo ng kaniyang mga mata’y sinusulyapan niya ang tigalgal na si Pia.

She’s still the Pia that she knew some seven years ago.

“Tell me the truth Matthew!” pagpapatuloy ni Samantha. “Yes you’ve never cheated on me, but have you even given your heart to me? Your heart still belongs to someone else from the very beginning Matthew…”

Doon niya napukol ng deretsong tingin si Perry. Ilang segundong nag-usap ang kanilang mga mata. Pamaya-maya’y ito na ang kusang tumalikod na. Ngunit huli na upang hindi makita ni Matthew ang mga luhang tumatakas sa kanilang mga mata.

Muli nanaman siyang tinalikuran ni Pia.

Inakay na siya palabas ni Jayson nang dumating na ang mga security.

Bakit kailangan pang naroon si Pia? Bakit makalipas ang pitong taon nilang hindi pagkikita’y doon pa sila muling nagkita?

Walang pinagbago ang malalam nitong mga matang puno ng lungkot kahit kitang kita ditto ang pag-angat pa lalo sa estado ng buhay.

Marahil ay kinailangan ni Piang Makita kung gaano siya naging miserable dahil hidni siya nito nagawang ipaglaban noon katulad ng pagtatanggol ni Samantha sa Perry na iyon. Kung nagawa ni Pia iyon, hindi na sana naulit pa ang gayong eksena sa buhay nila.

Hindi na sana naulit pa iyon, ang paglabas niya muli ng Fancy Pasta Restaurant na muling pinupukol ng mga tao ng tingin.

Hindi na sana naulit pa iyon, kung kaya niyang pabulaanan ang mga akusasyon ni Samantha kanina—that his heart still belongs to someone else…

1 comment:

Anonymous said...

You write very well.